Skip navigation

Monthly Archives: June 2010

Nagsalita na sila. Nagpahiwatig at naglabas ng kanilang saloobin tungkol sa napakarahas na treatment sa kanila. Isang grupo ng mga sardinas na binubuo ng 6 na miyembro ang umaasang maririning ng mga kinauukulan ang kanilang mga hinaing. Di na daw nila kaya  ang hirap na dinaranas sa loob ng masikip at madugong lata.

“We don’t deserve this kind of treatment. huhuhu”, sabi ng kanilang leader na si MEGA. mangiya-ngiyak at mangamoy-ngamoy si MEGA ng aking ma interview. Di daw nila aakalain na ang buhay nila sa karagadatan ay mapupunta sa isang malagim at madugong wakas.

Heto ang ilan sa reklamo ng mga nasabing sardinas:

Breathless:

– Dahil nga nakakulong sila sa isang masikip na lata, di daw sila makalanghap ng sariwang hangin kaya nagiging mabantot ang kanilang amoy.

Palitan ang sauce:

– Nag rereklamo din ang mga babaeng sardinas na palitan ng ibang kulay ang kanilang sauce. dahil minsan, di na daw nila na malaman ang pagkakaiba ng kanilang mens sa sauce. Ito ang sanhi ng kanilang kahihiyan sa mga kasamahang lalaki sa loob ng lata.

Only sardines are allowed:

– Nasabi din sa amin ni MEGA na minsan ay may nakakasama silang ibang insekto sa loob ng lata tulad ng ipis. Madalas nilang ipagwalang bahala ang nasabing kalagayan dahil na din sa nature lover daw sila. They don’t discriminate other insects.

Paliguan nyo kami:

– Nag rereklamo din ang mga nasabing sardinas dahil hindi sila pinaliliguan ng maayos bago isilid sa lata.

“Ang aking mga galis ay humahalo sa sauce! jejeje”, sabi ng isang jejemon na sardinas.

Alam kong nakakaiyak at nakakapandiri ang kanilang buhay. Alam ko ring naiiyak dahil isa ka sa mga taong kumakain ng mga katulad ni MEGA. Alam ko ring gusto mong masuka dahil sa mga rebelasyong nalaman mo ngaun lang.

Alam ko lahat yan dahil parehas lang tayo.

Advertisements

1. Suntukin ang sinumang makasalubong at sabay luhod para humingi ng sorry.

– Dito makikita ang pagiging pasensyoso ng iyong kapwa. Dito mo din dapat maipakita na sa lahat ng mali mo ay handa kang humingi ng tawad. Ito’y isang pahiwatig na nag aral ka ng mabuti sa GMRC subject mo.

2. Uminom ng sleeping pills at gawin ang lahat para ito’y labanan.

– Endurance ang skill na dapat mo ma improve sa ganitong situation. Magagamit din ito sa critical situations like lamay, movie marathon at inuman para hindi madaling makatulog. May edge ang mga taong kayang pigilin ang antok.

3. Humarap sa electric fan ng dilat ang mga mata.

– Ito ay magandang testing activity sa bagong biling electric fan. Kailangan mong malaman kung kayang patuyuin ng electric fan na ito ang iyong luha. Magandang exercise sa mga taong sawa na sa kaiiyak. Kahit anung gawin mo, wala ng tutulong luha sa iyong mga mata.

4. I text ang sarili sabay magalit dahil late mag reply.

– Modern na tayo ngaun, pwedeng hindi na natin kausapin ang ating mga sarili. I text mo nalang para hindi ka oldschool.

5. Magbasag ng vase at ipagdikit muli at basagin muli

– Dito mo maipapakita ang iyong diskarte sa bawat problemang dumarating. Dito ka matututong tumayo sa bawat pagkakadapa. Make sure na mahal ang vase para mas lalong tumundi ang iyong reason para ayusin muli ito.

6. Maglaro ng chess mag isa

– Dito, mas makikilala mo ang iyong sarili. Malalaman mo ang mga kakayahan ng iyong sarili pagdating sa critical and analytical thinking. Ito din ang paraan upang labanan ang iyong mga kahinaan. Wag kang mag alala kung matalo ka man ng iyong kalaban, panalo ka pa rin.

7. Ikulong ang sarili sa kulungan ng aso at itapon palayo ang susi

– Sabi nga nila na “A real friend is like rexona, It won’t let you down”. Dito mo malalaman kung sino ang mga tunay mong kaibigan na handang tulungan ka sa lahat ng oras na kailanganin mo.

8. Gumawa ng drum set using kitchen stuffs

– Dito mo madidiskubre ang talento mo sa art at music. Gumawa ka ng isang masterpiece at music na tunog kusina. Malay mo, may nakikinig na record company at mag iisponsor sayo ng iba pang gamit sa kusina para maipagpatuloy mo ang iyong sining.

9. Makipag titigan sa goldfish

– Ito ay contest na dapat mong ipanalo. Dapat mapatunayan mo na mas mataas na antas pa rin ang tao kesa sa mga hayop. Huwag titigil hanggang sa pumikit ang isda. huwag papatalo kung ayaw mong mapahiya.

10. Manood ng Drama, Comedy at Horror at huwag mag react

– Kailangan mong matutunan ang “poker face”. Makinig sa kanta ni lady gaga para malaman ang detalye about sa poker face. Importante ito para hindi ka madaling mahuli kung nagsisinungaling ka.

Personalan na to! Method:
Ingredients:
– Sangkatutak na impormasyon na maglalaman ng lahat ng baho nya.(Pati B.O.).
– Suporta at Ebidensiya (Pictures and Videos kung pwede)
– Kailangan wala kang konsensya para maging successful
– magbaon ng redhorse para hindi kabado (required)

Step 1: Dapat alam mo mga sikreto nya para alam mo kung saan aatake. Ask the bestfriends and close friends baka sakalaing isa sa kanila ay hudas at magbigay sayo ng impormasyon.
It’s a good strategy dahil di lahat ng best friend ay anghel. Ang iba sa kanila isang pizza lang ang katapat.

Step 2: Use the existing technology. Isang napakagandang Idea ang pag gamit ng video cam o camera para kunan ang karumal dumal niyang sikreto.

Step 3: Maghanap ng perfect timing kung saan dun mo isisiwalat lahat ng evidences na nakuha mo. Mag advertize ka, magpa promo, o kaya kunin mo si willie revillame para mag endorse ng event dahil siya ay gusto ng mga jejemon. Gumamit ng projector para kahit sira ang mata ng audience ay klaro pa rin ito. Pwede kang mag edit ng videos at lagyan ng awesomeness na effects. Dapat HD para detailed.

Step 4: Invite your enemy at pag suotin mo siya ng gown para bungga! At dahil sa iyong gagawin, mamatay siya sa hiya. Tatakbo siya pauwi at maiiwan ang isa nyang bakya. Di na siya gaganahang kumain at tuluyan na siyang ma dededZ! Momomonster kill!

The Silent Assasin

Ingredients:
– Kailangan mo ng maduming bagay. Pwede din ang S**t ng kabayo o kalabaw para awesomeness ang effect.
– Kailangan mo ng dark outfit para di ka maxadong visible. Make sure na wala kang dandruff para di ka mahuli sa black light challenge.
– Dapat maaga ka matulog kasi ito ay dapat gawin twing gabi at tolog na ang lahat.
– magbaon ng redhorse para hindi kabado (required)

Step 1: Gumising sa kalagitnaan ng gabi gamit ang dark outfit. Kailangan dahan dahan sa kilos dahil silent assasin ang method na ito. Wag mag tsinelas o sapatos para di maingay.

Step 2: Kumuha ng gamit nya na for hygienic purposes like toothbrush, suklay o kaya cotton buds (optional)

Step 3: Kunin ang inihandang dumi at ilagay sa kanyang toothbrush, suklay etc.
Optional : Pwede ding ipanlinis mo ng banyo ang kayang sepilyo para dual purpose. Nakapaglinis ka na, nakaganti ka pa. At dahil dito, sisirain mo ang kayang fresh confidence at di na siya makakatawa ng maayos. dahil d2, mamamatay siya sa sariling nyang hininga dahil malapit lang ang bibig sa ilong.

Hack the Facebook, Friendster, Multiply, etc etc.

Ingredients:

– PC or Laptop
– Convincing powers and killer smile
– Knowledge on installing a software
– Redhorse para sa inyong dalawa para mas madali ang pag convince.

Step 1: Mag install ng Keylogging software sa pc or laptop.

Step 2: Gamitin ang iyong convincing powers para mapa log in mo siya sa kanyang mga accounts sa PC or Laptop. Pag di pa siya pumapayag at medyo nag dududa, dun mo na gamitin ang mahiwagang redhorse with matching chippy na kasama.

Note: Iwasang ikaw ang unang malasing. Dahil pag nangyari yun, ubos na ang budget, di ka pa naka ganti. Just a friendly reminder.

Step 3: Pag naka log in na siya, make sure na mag shutdown ka ng maayos para hindi masira ang hard disk na siyang magiging dahilan ng pagkakapahamak ng iyong PC or laptop. Isang karumal-dumal na pangyayari ang magaganap.

Step 4: I check ang log file para makita ang kanyang username at password. I delete ang kanyang account. Dahil dito, mawawalan ng buhay ang kanyang social networking life at mawawalan ng ganang mabuhay. Eventually, magpapatiwakal siya sa pag aakalang na hack ng isang notorious hacker ang kanyang account.

Using a 3RD person or group

Ingredients:

– Cellphone, make sure may load at unlimited text. dapat smart kasi matalino.
– Grupo ng mga jejemons na anumang oras ay handang sumalakay. Ilibre mo sila ng fish ball para makatipid ka sa bayad sa kanila.
– Samahan mo na rin ng redhorse para mas ganahan sila sa work
– Cheerleading team

Step 1: Kunin ang number ng iyong biktima at ibigay ito sa 10 – 15 na jejemon.

Step 2: Make a pose habang hinahanda ang signal ng pag send para sabay sabay. Let the jejemons do their job. Alam na nila kung paano paiinitin ang ulo ng iyong biktima. Yun ang kanilang especialty.

Step 3: Sa sobrang pagkalango sa jejetxt, matutuyuan ng dugo ang iyong biktima dahil sa salot na dulot ng mga jejemon. Eto ang mga posibleng mangyari sa biktima gamit ang jeje attack:

* Labis na pagdurugo ng ilong
* Pagkakalbo dahil sa sobrang pangangamot ng ulo
* Pagkabalisa at pagkahilo kasama ang pagkaka lowbatt ng cellphone dahil sa dagsa ng text.
Dahil dito, matutuyuan and iyong biktima na siyang magdudulot ng kanyang pagka dedz.
Sana ay maraming akong naitulong sa aking small tutorial. Kung may alam pa kayong iba, wag nyo na I share.