Skip navigation

Nagsalita na sila. Nagpahiwatig at naglabas ng kanilang saloobin tungkol sa napakarahas na treatment sa kanila. Isang grupo ng mga sardinas na binubuo ng 6 na miyembro ang umaasang maririning ng mga kinauukulan ang kanilang mga hinaing. Di na daw nila kaya  ang hirap na dinaranas sa loob ng masikip at madugong lata.

“We don’t deserve this kind of treatment. huhuhu”, sabi ng kanilang leader na si MEGA. mangiya-ngiyak at mangamoy-ngamoy si MEGA ng aking ma interview. Di daw nila aakalain na ang buhay nila sa karagadatan ay mapupunta sa isang malagim at madugong wakas.

Heto ang ilan sa reklamo ng mga nasabing sardinas:

Breathless:

– Dahil nga nakakulong sila sa isang masikip na lata, di daw sila makalanghap ng sariwang hangin kaya nagiging mabantot ang kanilang amoy.

Palitan ang sauce:

– Nag rereklamo din ang mga babaeng sardinas na palitan ng ibang kulay ang kanilang sauce. dahil minsan, di na daw nila na malaman ang pagkakaiba ng kanilang mens sa sauce. Ito ang sanhi ng kanilang kahihiyan sa mga kasamahang lalaki sa loob ng lata.

Only sardines are allowed:

– Nasabi din sa amin ni MEGA na minsan ay may nakakasama silang ibang insekto sa loob ng lata tulad ng ipis. Madalas nilang ipagwalang bahala ang nasabing kalagayan dahil na din sa nature lover daw sila. They don’t discriminate other insects.

Paliguan nyo kami:

– Nag rereklamo din ang mga nasabing sardinas dahil hindi sila pinaliliguan ng maayos bago isilid sa lata.

“Ang aking mga galis ay humahalo sa sauce! jejeje”, sabi ng isang jejemon na sardinas.

Alam kong nakakaiyak at nakakapandiri ang kanilang buhay. Alam ko ring naiiyak dahil isa ka sa mga taong kumakain ng mga katulad ni MEGA. Alam ko ring gusto mong masuka dahil sa mga rebelasyong nalaman mo ngaun lang.

Alam ko lahat yan dahil parehas lang tayo.

Advertisements

2 Comments

  1. paliliguan? e di ba malansa na sila kahit nakababad sila sa tubig?

    follow-up question Totoy Henyo: bakit mabaho pa din ang mga isda kahit nasa tubig na sila nakatira?

    inaasahan ko ang immediate response mo.. kundi mababalitaan mo na lang na nagpakamatay na ako dahil sa misteryong ito…

    pag me kasagutan ka na maari ipagbigay alam sa numero na nakasulat sa ibaba:

    09282808812 (lol)

  2. hahahaha..ok ok, isa isahin natin mga questions mo mommy.

    “paliliguan? e di ba malansa na sila kahit nakababad sila sa tubig?”

    – example: naliligo ka sa beach, after mo maligo sa beach ano ginagawa mo?

    —possible answer ni mommy: “magbanlaw / maligo”—

    Korek! dapat and mga isda binabanlawan din… hehehe

    “bakit mabaho pa din ang mga isda kahit nasa tubig na sila nakatira?”

    – mabaho sila pag inaalis sila sa dagat. Na cocontaminate ng hangin ang kanilang katawan kaya nagiging malansa sila..hehehehe

    — you can smell the fish while its in the sea and you will know na di sila mabaho..hehehehe


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: