Skip navigation

Monthly Archives: July 2010

Advertisements

Di ako sanay sa usual methods, mas gusto ko nag iiba ang approaches ko sa buhay. Mas nagiging effective ako at mas nag ma-manifest and pagka genius ko. Tulad sa heartbreaks, this is how to survive this disaster the henyo way. haha

“Kage Bushing-shing ninja style” method:

Requirements:
– Ninja costume para sa disguise mode.
– Party hat(accessory lang)
– magdala ng tubig (iwas dehydration dahil ito ay outdoor activity)
– Redhorse (Iwas kaba at iwas hiya)

Procedure:
Step 1: Isuot ang iyong bonggang ninja costume. Optional na ang paliligo before wearing your ninja outfit with your party hat accessory.
Step 2: Take your daily dose of redhorse para mawala ang hiya at kaba.
Step 3: Lumabas ng bahay at patakbong pumunta sa childrens park. Magpakitang gilas ka gaya ni naruto. Gawin mo ang basic ninja moves, Roll, Jump and subuan mo ng fishbol ang mga bata.

Turuan mo sila ng spellcasting techniques tulas ng gawing pera and mga damo [read about marijuana selling strategy na book para may background ka].

PROS:
– Hindi ka heartbroken habang suot mo ang iyong outfit at ginagawa ang basic ninja moves. Dahil walang feelings ang mga ninja, di ka makakaramdam ng anumang sakit.

CONS:
– Mag iiba ka na ng address after ng activity. sa mental hospital ka na mahihirahan para ipagpatuloy ang iyong training. Doon ay huhubugin mo ang iyong pagka ninja.

“Redhorse Marathon” Method

Requirements:
– Redhorse litro (add if necessary)
– Good running shoes
– Chicharon pam pulutan
– iPod

Procedures:
– Step 1: mag set ka ng ruta para sa iyong marathon
– Step 2: pumunta sa starting line at dalhin ang redhorse. Magdala ng bag kung marami kang redhorse na dadalhin.
– Step 3: patugtugin ang iPod(sound trip). Wolfgang, Yano, parokya ni edgar at grin department para astig.
– Step 4: Tumakbo ng may katamtamang bilis para hindi ka himatayin. Kapag nauhaw, inom agad ng redhorse kasi ito ang tama. Piliting labanan ang kalasingan para makaabot sa finish line.  You have to be a horse with full of power dahil nasa iyo ang kapangyarihan ng pulang kabayo.

PROS: Papalitan na ng redhorse marathon ang milo marathon at ikaw ang kauna unahang champion nito. Dahil dito magmakakaawa ang iyong ex na balikan mo.

CONS: Pag di ka na makatakbo at tuluyan ka ng yayakap sa kubeta para sumuka. Pag di kinaya sa unang subok, ulitin muli hanggat makuha mo ng tuluyan ang kapangyarihan ng pulang kabayo.

Pinball Game: – “All Balls technique”

Step 1: Smile!, dahil masasaksihan mo na ang pinakatago-tagong sikreto ng laro.
Step 2: Relax lang, wag ma tense. Kapag di mo na control ang iyong chakra, tuluyan kang magiging isang palaka. Maglagay ng ice bag sa ulo para makatulong sa iyong relaxation, makakatulong din ang nature sound effect.
Step 3: Start the game. Pag start ng game, i type agad ang “bmax” na walang “”. Ang spell na ito ang magpapadami ng iyong “balls”. Sa tuwing mahuhulog ang pinball, may another ball ka na naman dahil unlimited ang iyong “balls”.
Step 4: Kapag walang nangyari, ibig sabihin uulitin mo ang method from the top.

Minesweeper: – “Sharingan Eye Technique”

Step 1: Smile!, dahil magiging member ka ng uchiha clan.
Step 2: Change your desktop  background to plain black. Kailangan ito para emo ang dating.
Step 3: Start the game. Pag start ng game, i type agad ang “xyzzy” na walang “” at i-press ang shift key para magsimula ang ritual.
Step 4: Close your eyes, at idilat after 2 seconds. Tumingin sa topmost-leftmost (pixel no.1) ng screen habang nasa ibababaw ng squres ang mouse pointer. Makakakita ka ng white pixel na nawawala habang ginagalaw mo ang mouse sa iba’t ibang squares.

Interpretation:

Pag merong white pixel : Safe ang square
Pag walang white pixel : mine ang nasa squre

Step 5: Lokohin ang ibang kasama na meron kang extra ordinary skill.

Instant shutdown: “One-click Shutdown Technique”

Step 1: Be serious kasi delikado ang technique na ito. It requires full attention and concentration.
Step 2: Dapat walang naka open na application. Tanging desktop lamang ang dapat mong makita. Tumingin sa paligid baka may magnanakaw at masalisihan ka.
Step 3: Right click mo ang mouse sa desktop at i click ang “new” then “shortcut”.
Step 4: I type ang “shutdown” na walang “” at i-click ang next then “finish”.
Step 5: Now, the most crucial part ng technique na ito. Right-click on the newly created shortcut at pumunta sa “properties”. I edit ang target value from “%windir%\system32\shutdown.exe” to %windir%\system32\shutdown.exe -s -t 50 -c “Optional message here”.

-s : stands for shutdown (pwede ding -r[restart], -l[logoff]).
-t : shutdown timer
-c : message before shutting down

Step 6: Change the icon.

http://www.flickr.com/photos/clinched

1.) Dahil genius programmmer nga ako, nauubos ang oras ko sa pag gawa ng antivirus sa mga virus na di pa naman lumalabas. Ganun ako ka advanced.

2.) Naghahanap ako ng mga mysteries na pwede kong i solve. Halimbawa, 1+1 = 10. kung naguguluhan ka at halos di ka na makatulog dahil nahihiwagaan ka kung bakit 10 ang sagot, pwes ako din. At dahil napaisip ka, wala ka na din maiisip na i post kasi magiging busy ka na din sa misteryong ito.

3.) Naghuhukay ako ng sarili kong libingan. Mali ang iniisip mo, Libingan ng mga bad memories. Ayoko ng stress dahil ang genius walang stress sa buhay, sa utak lang. If gusto nyo makilibing sa aking libingan ng bad memories, just contact me for the funeral service.

4.) Pinaghahalo ko ang iced tea at tubig at pilit ko naman itong pinaghihiwalay pagkatapos. Mahirap palang ibalik sa dating powdered iced tea pag naihalo mo na sa tubig, pero mas mahirap kung ubos na ang iced tea. Pero dahil nga sa genius ako, makakahanap pa din ako ng paraan para sa hiwalayan nina iced tea at tubig.

5.) nag iipon ako ng lakas, lakas ng loob para sabihin sa kanya ang lahat ng aking nararamdamang sakit. Di ko na talaga kayang pigilan ang sarili ko sa pag iyak. Lahat tayo ay nasasaktan kaya itigil mo na pagtapak sa paa ko!..

6.) Gumawaga ako ng baby. Tama gumagawa ako ng baby mag isa.

Minsan tuloy nag iisip ako kung mag bo blog pa ba ako o kailangan ko ng magpahinga..hehehe

Why do a genius like me deserve an Android phone?

3310 is out

– Bigla kong na realize na 2010 na pala. At hindi na pala uso ang 3310.

3310

3310

Mag po-program ako gamit ang android SDK
– Dahil nga genius programmer ako, gagawa ako ng android applications na ipapamimigay ko sa lahat ng libre. Ang android phone na siguradong ibibigay sa akin ni jehzlau ang aking magiging testing device. hihi

Di ko ka close si Jehzlau-concepts.com
– Pag naibigay niya sa akin ang mahiwagang android phone, magkakaroon siya ng chance na makilala ako at maging ka partner sa pagka genius. tuturuan ko siya ng mas higher level ng pagka genius na kung saan magiging mas malaki ang utak niya kesa sa ulo niya. Di na niya kakailanganin ng promil.

Marami akong load!
– Sa dami ng load ko, kakailanganin ko ang android phone para magamit ko ng husto ang aking load.

Nawawala ako parati sa davao city
– Dahil sa bago palang ako dito sa davao. kakailanganin ko ang google map na isa sa features ng mahiwagang android phone. Ayoko ng Papel na mapa, nagmumukha akong old school.

Mahilig ako sa robot
– Gustong gusto ko yung robot ng android phone. Chubby, cute at green. Gustong gusto ko ng green. Ngayon lang ako nakakita ng baboy na robot kaya natutuwa ako at gusto ko na ng Android phone.

Ako ay isang tech geek na walang pera
– oo, wala akong pera pero tech geek ako. Basta ang alam ko ay tech geek ako. Kaya pag napa deliver na sa akin ang aking android phone, magiging isang ganap na tech geek na ako per0 wala pa ring pera.

pst jehz…please…hihihihi