Skip navigation

Monthly Archives: August 2010

Random thoughts ni totoy henyo

JOB opportunity (Davao only, Php 5,000 per day): Taga salo ng durian

Nagbabagang balita: Nagbigay ng isandaang libong sako ng bigas ang gobyerno sa mga taga mindanao. Ang mga sako dumating na, ang mga bigas wala pa.

Nagbabagang balita: bata, nalunod sa isang basong tubig, di na nakita.

Horoscope: Cancer – Maswerte at Malas ka ngayong araw. Swerte: Mananalo ang numero mo sa lotto. Malas: Hindi ka tumaya.

Paano kaya kung Super muscle man ka pero ulo mo tansan?

Hoy! ang sama ng lasa ng kanin nyo. lasang bigas!

Hoy pare! matigas ba dibdib mo? pahimas nga…waaaaaaaaa

Teacher: Class, sino sa inyo nakakakilala kay jose rizal? ikaw pedro?
Pedro: Di ko siya kilala maam.
Teacher: Ikaw leslie?
Leslie: Di ko din po siya kialal maam
Teacher: anui ba naman kayo? grade 1 section 11 na kayo di nyo pa kilala si jose rizal?
Juan(Biglang sumabat): baka nasa ibang section siya maam.

Masyado akong genius kaya ginawa kong arrange alphabetically ang keyboard ko. waaaaaaaaaaa…

madali ka bang mapagod: try motolite, pangmatagalan..hahahaha

Nagbabagang balita: Bembol Roco dinala sa ospital dahil sa matinding sakit ng ulo. Napag alaman sa ang naging sanhi ng sakit ng kanyang ulo ay dahil natulog siyang basa ang buhok.