Skip navigation

Category Archives: Exclusives

2011 na,  so dapat meron tayong new activities para hindi mainip. Kung wala kang magawa sa buhay mo, bakit hindi mo try etong mga simpleng activities para sumaya naman ng konti ang buhay mo this 2011.

So eto na, read it loud.. 😀

Makipag jack-en-poy sa salamin.

– sabi nga nila, our self is our greatest enemy. kailangan mong patunayan na kayang mong harapin and iyong sarili. Piliting manalo at I-submit sa guiness world records ang iyong video para sumikat.

Itapon ang pinakamahal na jewelry ni mommy mo ng naka blindfold at hanapin uli.

– Dapat ma develop mo iyong skill na hindi gumagamit ng sense of sight. Importante ito sa pakikipaglaban (See martial arts movie para maka relate). Di sa lahat ng panahon makakakita tayo, kaya ngaun palang, try to develop your sixth sense. dapat ay mahanap mo ang jewelry para hindi ma grounded.

Magtimpla ng juice at paghiwalayin uli ang juice powder sa tubig

– Gamitin ang scientific method na natutunan sa school para mapaghiwalay ang powdered juice sa tubig. Analytical skills ang iyong kailangan dito. Humingi ng tulong sa isang chemist kung hindi na kaya.

Ibigay ang wallet sa kahit kaninong tao at sumigaw ng “magnanakaw”

– Dito mo mas makikila ang iyong kapwa, on how they react sa mga situations na gaya nito. You must know the people outside of urself para mas maging close kayo. Make sure na hindi traceur (parkour practitioner) ang pinagbigyan ng wallet kasi mahihirapan kang habulin sila.

Magbukas ng de lata at ibalik sa dati ang anyo

– Dito mo ma de develop and iyong pagka masinop. Magagamit mo ang skill na makukuha mo dito sa mga panahong nag titipid ka. Importante ang pagbalik sa lata sa dati nitong anyo para hindi mapanis ang laman.

Makipaglaro ng taguan sa mga bata at pumunta ng mall

– Mainam na strategy para hinding hindi ka magiging taya. Nabigyan mo ng mahirap na task ang mga bata para sa kanilang mental growth habang nag re relax ka sa mall.

Ibenta ang laptop at bilhin muli

– Dahil dito, may ma didiscover ka na bagong business, yun ang Sell and Buy. Ikaw palang ang may ganitong business so solo mo ang mga customer. This is for business-minded persons.

Paghiwalayin ang nescafe 3in1 coffee

– Alamin ang secret ng nescafe. Ilantad sa tao kung ilang grams ng asukal, kape at creamer ang laman ng 3in1. bagong expose.

 

Share naman kayo..hehehe

Di ako sanay sa usual methods, mas gusto ko nag iiba ang approaches ko sa buhay. Mas nagiging effective ako at mas nag ma-manifest and pagka genius ko. Tulad sa heartbreaks, this is how to survive this disaster the henyo way. haha

“Kage Bushing-shing ninja style” method:

Requirements:
– Ninja costume para sa disguise mode.
– Party hat(accessory lang)
– magdala ng tubig (iwas dehydration dahil ito ay outdoor activity)
– Redhorse (Iwas kaba at iwas hiya)

Procedure:
Step 1: Isuot ang iyong bonggang ninja costume. Optional na ang paliligo before wearing your ninja outfit with your party hat accessory.
Step 2: Take your daily dose of redhorse para mawala ang hiya at kaba.
Step 3: Lumabas ng bahay at patakbong pumunta sa childrens park. Magpakitang gilas ka gaya ni naruto. Gawin mo ang basic ninja moves, Roll, Jump and subuan mo ng fishbol ang mga bata.

Turuan mo sila ng spellcasting techniques tulas ng gawing pera and mga damo [read about marijuana selling strategy na book para may background ka].

PROS:
– Hindi ka heartbroken habang suot mo ang iyong outfit at ginagawa ang basic ninja moves. Dahil walang feelings ang mga ninja, di ka makakaramdam ng anumang sakit.

CONS:
– Mag iiba ka na ng address after ng activity. sa mental hospital ka na mahihirahan para ipagpatuloy ang iyong training. Doon ay huhubugin mo ang iyong pagka ninja.

“Redhorse Marathon” Method

Requirements:
– Redhorse litro (add if necessary)
– Good running shoes
– Chicharon pam pulutan
– iPod

Procedures:
– Step 1: mag set ka ng ruta para sa iyong marathon
– Step 2: pumunta sa starting line at dalhin ang redhorse. Magdala ng bag kung marami kang redhorse na dadalhin.
– Step 3: patugtugin ang iPod(sound trip). Wolfgang, Yano, parokya ni edgar at grin department para astig.
– Step 4: Tumakbo ng may katamtamang bilis para hindi ka himatayin. Kapag nauhaw, inom agad ng redhorse kasi ito ang tama. Piliting labanan ang kalasingan para makaabot sa finish line.  You have to be a horse with full of power dahil nasa iyo ang kapangyarihan ng pulang kabayo.

PROS: Papalitan na ng redhorse marathon ang milo marathon at ikaw ang kauna unahang champion nito. Dahil dito magmakakaawa ang iyong ex na balikan mo.

CONS: Pag di ka na makatakbo at tuluyan ka ng yayakap sa kubeta para sumuka. Pag di kinaya sa unang subok, ulitin muli hanggat makuha mo ng tuluyan ang kapangyarihan ng pulang kabayo.

Why do a genius like me deserve an Android phone?

3310 is out

– Bigla kong na realize na 2010 na pala. At hindi na pala uso ang 3310.

3310

3310

Mag po-program ako gamit ang android SDK
– Dahil nga genius programmer ako, gagawa ako ng android applications na ipapamimigay ko sa lahat ng libre. Ang android phone na siguradong ibibigay sa akin ni jehzlau ang aking magiging testing device. hihi

Di ko ka close si Jehzlau-concepts.com
– Pag naibigay niya sa akin ang mahiwagang android phone, magkakaroon siya ng chance na makilala ako at maging ka partner sa pagka genius. tuturuan ko siya ng mas higher level ng pagka genius na kung saan magiging mas malaki ang utak niya kesa sa ulo niya. Di na niya kakailanganin ng promil.

Marami akong load!
– Sa dami ng load ko, kakailanganin ko ang android phone para magamit ko ng husto ang aking load.

Nawawala ako parati sa davao city
– Dahil sa bago palang ako dito sa davao. kakailanganin ko ang google map na isa sa features ng mahiwagang android phone. Ayoko ng Papel na mapa, nagmumukha akong old school.

Mahilig ako sa robot
– Gustong gusto ko yung robot ng android phone. Chubby, cute at green. Gustong gusto ko ng green. Ngayon lang ako nakakita ng baboy na robot kaya natutuwa ako at gusto ko na ng Android phone.

Ako ay isang tech geek na walang pera
– oo, wala akong pera pero tech geek ako. Basta ang alam ko ay tech geek ako. Kaya pag napa deliver na sa akin ang aking android phone, magiging isang ganap na tech geek na ako per0 wala pa ring pera.

pst jehz…please…hihihihi

Nagsalita na sila. Nagpahiwatig at naglabas ng kanilang saloobin tungkol sa napakarahas na treatment sa kanila. Isang grupo ng mga sardinas na binubuo ng 6 na miyembro ang umaasang maririning ng mga kinauukulan ang kanilang mga hinaing. Di na daw nila kaya  ang hirap na dinaranas sa loob ng masikip at madugong lata.

“We don’t deserve this kind of treatment. huhuhu”, sabi ng kanilang leader na si MEGA. mangiya-ngiyak at mangamoy-ngamoy si MEGA ng aking ma interview. Di daw nila aakalain na ang buhay nila sa karagadatan ay mapupunta sa isang malagim at madugong wakas.

Heto ang ilan sa reklamo ng mga nasabing sardinas:

Breathless:

– Dahil nga nakakulong sila sa isang masikip na lata, di daw sila makalanghap ng sariwang hangin kaya nagiging mabantot ang kanilang amoy.

Palitan ang sauce:

– Nag rereklamo din ang mga babaeng sardinas na palitan ng ibang kulay ang kanilang sauce. dahil minsan, di na daw nila na malaman ang pagkakaiba ng kanilang mens sa sauce. Ito ang sanhi ng kanilang kahihiyan sa mga kasamahang lalaki sa loob ng lata.

Only sardines are allowed:

– Nasabi din sa amin ni MEGA na minsan ay may nakakasama silang ibang insekto sa loob ng lata tulad ng ipis. Madalas nilang ipagwalang bahala ang nasabing kalagayan dahil na din sa nature lover daw sila. They don’t discriminate other insects.

Paliguan nyo kami:

– Nag rereklamo din ang mga nasabing sardinas dahil hindi sila pinaliliguan ng maayos bago isilid sa lata.

“Ang aking mga galis ay humahalo sa sauce! jejeje”, sabi ng isang jejemon na sardinas.

Alam kong nakakaiyak at nakakapandiri ang kanilang buhay. Alam ko ring naiiyak dahil isa ka sa mga taong kumakain ng mga katulad ni MEGA. Alam ko ring gusto mong masuka dahil sa mga rebelasyong nalaman mo ngaun lang.

Alam ko lahat yan dahil parehas lang tayo.