Skip navigation

Tag Archives: boredom

1. Suntukin ang sinumang makasalubong at sabay luhod para humingi ng sorry.

– Dito makikita ang pagiging pasensyoso ng iyong kapwa. Dito mo din dapat maipakita na sa lahat ng mali mo ay handa kang humingi ng tawad. Ito’y isang pahiwatig na nag aral ka ng mabuti sa GMRC subject mo.

2. Uminom ng sleeping pills at gawin ang lahat para ito’y labanan.

– Endurance ang skill na dapat mo ma improve sa ganitong situation. Magagamit din ito sa critical situations like lamay, movie marathon at inuman para hindi madaling makatulog. May edge ang mga taong kayang pigilin ang antok.

3. Humarap sa electric fan ng dilat ang mga mata.

– Ito ay magandang testing activity sa bagong biling electric fan. Kailangan mong malaman kung kayang patuyuin ng electric fan na ito ang iyong luha. Magandang exercise sa mga taong sawa na sa kaiiyak. Kahit anung gawin mo, wala ng tutulong luha sa iyong mga mata.

4. I text ang sarili sabay magalit dahil late mag reply.

– Modern na tayo ngaun, pwedeng hindi na natin kausapin ang ating mga sarili. I text mo nalang para hindi ka oldschool.

5. Magbasag ng vase at ipagdikit muli at basagin muli

– Dito mo maipapakita ang iyong diskarte sa bawat problemang dumarating. Dito ka matututong tumayo sa bawat pagkakadapa. Make sure na mahal ang vase para mas lalong tumundi ang iyong reason para ayusin muli ito.

6. Maglaro ng chess mag isa

– Dito, mas makikilala mo ang iyong sarili. Malalaman mo ang mga kakayahan ng iyong sarili pagdating sa critical and analytical thinking. Ito din ang paraan upang labanan ang iyong mga kahinaan. Wag kang mag alala kung matalo ka man ng iyong kalaban, panalo ka pa rin.

7. Ikulong ang sarili sa kulungan ng aso at itapon palayo ang susi

– Sabi nga nila na “A real friend is like rexona, It won’t let you down”. Dito mo malalaman kung sino ang mga tunay mong kaibigan na handang tulungan ka sa lahat ng oras na kailanganin mo.

8. Gumawa ng drum set using kitchen stuffs

– Dito mo madidiskubre ang talento mo sa art at music. Gumawa ka ng isang masterpiece at music na tunog kusina. Malay mo, may nakikinig na record company at mag iisponsor sayo ng iba pang gamit sa kusina para maipagpatuloy mo ang iyong sining.

9. Makipag titigan sa goldfish

– Ito ay contest na dapat mong ipanalo. Dapat mapatunayan mo na mas mataas na antas pa rin ang tao kesa sa mga hayop. Huwag titigil hanggang sa pumikit ang isda. huwag papatalo kung ayaw mong mapahiya.

10. Manood ng Drama, Comedy at Horror at huwag mag react

– Kailangan mong matutunan ang “poker face”. Makinig sa kanta ni lady gaga para malaman ang detalye about sa poker face. Importante ito para hindi ka madaling mahuli kung nagsisinungaling ka.

Advertisements