Skip navigation

Tag Archives: loveless

Di ako sanay sa usual methods, mas gusto ko nag iiba ang approaches ko sa buhay. Mas nagiging effective ako at mas nag ma-manifest and pagka genius ko. Tulad sa heartbreaks, this is how to survive this disaster the henyo way. haha

“Kage Bushing-shing ninja style” method:

Requirements:
– Ninja costume para sa disguise mode.
– Party hat(accessory lang)
– magdala ng tubig (iwas dehydration dahil ito ay outdoor activity)
– Redhorse (Iwas kaba at iwas hiya)

Procedure:
Step 1: Isuot ang iyong bonggang ninja costume. Optional na ang paliligo before wearing your ninja outfit with your party hat accessory.
Step 2: Take your daily dose of redhorse para mawala ang hiya at kaba.
Step 3: Lumabas ng bahay at patakbong pumunta sa childrens park. Magpakitang gilas ka gaya ni naruto. Gawin mo ang basic ninja moves, Roll, Jump and subuan mo ng fishbol ang mga bata.

Turuan mo sila ng spellcasting techniques tulas ng gawing pera and mga damo [read about marijuana selling strategy na book para may background ka].

PROS:
– Hindi ka heartbroken habang suot mo ang iyong outfit at ginagawa ang basic ninja moves. Dahil walang feelings ang mga ninja, di ka makakaramdam ng anumang sakit.

CONS:
– Mag iiba ka na ng address after ng activity. sa mental hospital ka na mahihirahan para ipagpatuloy ang iyong training. Doon ay huhubugin mo ang iyong pagka ninja.

“Redhorse Marathon” Method

Requirements:
– Redhorse litro (add if necessary)
– Good running shoes
– Chicharon pam pulutan
– iPod

Procedures:
– Step 1: mag set ka ng ruta para sa iyong marathon
– Step 2: pumunta sa starting line at dalhin ang redhorse. Magdala ng bag kung marami kang redhorse na dadalhin.
– Step 3: patugtugin ang iPod(sound trip). Wolfgang, Yano, parokya ni edgar at grin department para astig.
– Step 4: Tumakbo ng may katamtamang bilis para hindi ka himatayin. Kapag nauhaw, inom agad ng redhorse kasi ito ang tama. Piliting labanan ang kalasingan para makaabot sa finish line.  You have to be a horse with full of power dahil nasa iyo ang kapangyarihan ng pulang kabayo.

PROS: Papalitan na ng redhorse marathon ang milo marathon at ikaw ang kauna unahang champion nito. Dahil dito magmakakaawa ang iyong ex na balikan mo.

CONS: Pag di ka na makatakbo at tuluyan ka ng yayakap sa kubeta para sumuka. Pag di kinaya sa unang subok, ulitin muli hanggat makuha mo ng tuluyan ang kapangyarihan ng pulang kabayo.