Skip navigation

Tag Archives: news

Nagsalita na sila. Nagpahiwatig at naglabas ng kanilang saloobin tungkol sa napakarahas na treatment sa kanila. Isang grupo ng mga sardinas na binubuo ng 6 na miyembro ang umaasang maririning ng mga kinauukulan ang kanilang mga hinaing. Di na daw nila kaya  ang hirap na dinaranas sa loob ng masikip at madugong lata.

“We don’t deserve this kind of treatment. huhuhu”, sabi ng kanilang leader na si MEGA. mangiya-ngiyak at mangamoy-ngamoy si MEGA ng aking ma interview. Di daw nila aakalain na ang buhay nila sa karagadatan ay mapupunta sa isang malagim at madugong wakas.

Heto ang ilan sa reklamo ng mga nasabing sardinas:

Breathless:

– Dahil nga nakakulong sila sa isang masikip na lata, di daw sila makalanghap ng sariwang hangin kaya nagiging mabantot ang kanilang amoy.

Palitan ang sauce:

– Nag rereklamo din ang mga babaeng sardinas na palitan ng ibang kulay ang kanilang sauce. dahil minsan, di na daw nila na malaman ang pagkakaiba ng kanilang mens sa sauce. Ito ang sanhi ng kanilang kahihiyan sa mga kasamahang lalaki sa loob ng lata.

Only sardines are allowed:

– Nasabi din sa amin ni MEGA na minsan ay may nakakasama silang ibang insekto sa loob ng lata tulad ng ipis. Madalas nilang ipagwalang bahala ang nasabing kalagayan dahil na din sa nature lover daw sila. They don’t discriminate other insects.

Paliguan nyo kami:

– Nag rereklamo din ang mga nasabing sardinas dahil hindi sila pinaliliguan ng maayos bago isilid sa lata.

“Ang aking mga galis ay humahalo sa sauce! jejeje”, sabi ng isang jejemon na sardinas.

Alam kong nakakaiyak at nakakapandiri ang kanilang buhay. Alam ko ring naiiyak dahil isa ka sa mga taong kumakain ng mga katulad ni MEGA. Alam ko ring gusto mong masuka dahil sa mga rebelasyong nalaman mo ngaun lang.

Alam ko lahat yan dahil parehas lang tayo.