Skip navigation

Tag Archives: tips

Pinball Game: – “All Balls technique”

Step 1: Smile!, dahil masasaksihan mo na ang pinakatago-tagong sikreto ng laro.
Step 2: Relax lang, wag ma tense. Kapag di mo na control ang iyong chakra, tuluyan kang magiging isang palaka. Maglagay ng ice bag sa ulo para makatulong sa iyong relaxation, makakatulong din ang nature sound effect.
Step 3: Start the game. Pag start ng game, i type agad ang “bmax” na walang “”. Ang spell na ito ang magpapadami ng iyong “balls”. Sa tuwing mahuhulog ang pinball, may another ball ka na naman dahil unlimited ang iyong “balls”.
Step 4: Kapag walang nangyari, ibig sabihin uulitin mo ang method from the top.

Minesweeper: – “Sharingan Eye Technique”

Step 1: Smile!, dahil magiging member ka ng uchiha clan.
Step 2: Change your desktopĀ  background to plain black. Kailangan ito para emo ang dating.
Step 3: Start the game. Pag start ng game, i type agad ang “xyzzy” na walang “” at i-press ang shift key para magsimula ang ritual.
Step 4: Close your eyes, at idilat after 2 seconds. Tumingin sa topmost-leftmost (pixel no.1) ng screen habang nasa ibababaw ng squres ang mouse pointer. Makakakita ka ng white pixel na nawawala habang ginagalaw mo ang mouse sa iba’t ibang squares.

Interpretation:

Pag merong white pixel : Safe ang square
Pag walang white pixel : mine ang nasa squre

Step 5: Lokohin ang ibang kasama na meron kang extra ordinary skill.

Instant shutdown: “One-click Shutdown Technique”

Step 1: Be serious kasi delikado ang technique na ito. It requires full attention and concentration.
Step 2: Dapat walang naka open na application. Tanging desktop lamang ang dapat mong makita. Tumingin sa paligid baka may magnanakaw at masalisihan ka.
Step 3: Right click mo ang mouse sa desktop at i click ang “new” then “shortcut”.
Step 4: I type ang “shutdown” na walang “” at i-click ang next then “finish”.
Step 5: Now, the most crucial part ng technique na ito. Right-click on the newly created shortcut at pumunta sa “properties”. I edit ang target value from “%windir%\system32\shutdown.exe” to %windir%\system32\shutdown.exe -s -t 50 -c “Optional message here”.

-s : stands for shutdown (pwede ding -r[restart], -l[logoff]).
-t : shutdown timer
-c : message before shutting down

Step 6: Change the icon.