Skip navigation

Tag Archives: winner

Why do a genius like me deserve an Android phone?

3310 is out

– Bigla kong na realize na 2010 na pala. At hindi na pala uso ang 3310.

3310

3310

Mag po-program ako gamit ang android SDK
– Dahil nga genius programmer ako, gagawa ako ng android applications na ipapamimigay ko sa lahat ng libre. Ang android phone na siguradong ibibigay sa akin ni jehzlau ang aking magiging testing device. hihi

Di ko ka close si Jehzlau-concepts.com
– Pag naibigay niya sa akin ang mahiwagang android phone, magkakaroon siya ng chance na makilala ako at maging ka partner sa pagka genius. tuturuan ko siya ng mas higher level ng pagka genius na kung saan magiging mas malaki ang utak niya kesa sa ulo niya. Di na niya kakailanganin ng promil.

Marami akong load!
– Sa dami ng load ko, kakailanganin ko ang android phone para magamit ko ng husto ang aking load.

Nawawala ako parati sa davao city
– Dahil sa bago palang ako dito sa davao. kakailanganin ko ang google map na isa sa features ng mahiwagang android phone. Ayoko ng Papel na mapa, nagmumukha akong old school.

Mahilig ako sa robot
– Gustong gusto ko yung robot ng android phone. Chubby, cute at green. Gustong gusto ko ng green. Ngayon lang ako nakakita ng baboy na robot kaya natutuwa ako at gusto ko na ng Android phone.

Ako ay isang tech geek na walang pera
– oo, wala akong pera pero tech geek ako. Basta ang alam ko ay tech geek ako. Kaya pag napa deliver na sa akin ang aking android phone, magiging isang ganap na tech geek na ako per0 wala pa ring pera.

pst jehz…please…hihihihi

Advertisements